TULOY ang makulay pero malungkot na buhay ng bida ng Kakambal ni Eliana na sinusubaybayan ng televiewers tuwing hapon.
Masaya man si Eliana (Kim Rodriguez) na nakalabas siya sa mundo kaya marami siyang nakikita, nangungulila at nag-aalala pa rin siya sa kanyang mapagmahal na Lolo Eddie (Leo Martinez), ngunit hindi naman niya gusto na nakakulong siya sa bahay nito.
Sa bahay ng magamang Eman (Jomari Yllana) at Margarita (Lexi Fernandez), ay magiging abala si Eliana sa pag-aayos at paglilinis bilang pagtalima sa bilin ni Margarita dahil may importante silang bisita na darating. Laking tuwa ni Eliana nang malamang si Julian (Enzo Pineda) pala ito, pero bigla rin siyang mabibigo nang makita ang pagyakap dito ni Margarita at malamang magkasintahan pala ang dalawa.
Samantala, malaki rin ang kabiguan ni Isabel (Jean Garcia) nang malamang hindi na sila kukuning trade partner ng Metro Business club dahil nagbigay ng mas malaking halaga ang Serpentina, isang bago at maliit na kumpanya. Magsasaliksik si Isabel tungkol sa bagong trade partner ng Metro Business.
Sino kaya ang matinding kakumpetensiya ni Isabel? Magkalapit at maging magkaibigan pa rin kaya sina Eliana at Julian kahit alam ni Eliana na boyfriend ito ni Margarita?
Alamin ang mga kasagutan sa Kakambal ni Eliana, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Bukod kang Pinagpala sa GMA Afternoon Prime.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/eliana-masayang-malungkot-na-bida/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment