NASA kanyang pangalawang termino na bilang board member ng Quezon Province si Gary Estrada. Pero bago raw ‘yun ay dalawang beses na rin naman siyang nakatikim ng pagkatalo.
Kaya ang payo ni Gorio sa kapwa niya mga taga-showbiz na hindi pinalad sa pulitika, kasama na sina Richard Gomez, Aga Muhlach, Christopher de Leon, at iba pa.
“Hindi pa lang siguro nakaguhit sa mga tadhana nila ‘yun. Pero sa totoo lang, kung gusto mo talagang magserbisyo sa tao, eh, ‘wag kang panghihinaan ng loob. Tuloy nang tuloy lang, makikita din naman ng mga tao ang sinseridad nila,” kuwento ni Gary Estrada na nakakuha ng may pinakamataas na boto sa mga nanalong bokal nitong nakaraang eleksiyon.
Very proud na ikinuwento sa amin ni Gary ang mga nagawa niya nu’ng mga nagdaang termino niya bilang board member.
“Nakapagpagawa kami ng school buildings sa lahat ng bayan, and also aside from the ordinances, I think we are the only one of the board members na nakapagpagawa ng mga kalsada sa lahat ng bayan na nasasakupan namin,” pagmamalaki ng asawa ni Bernadeth Allyson.
Ayon kay Gary, sa kanyang second term ay pagtutuunan niya ng pansin ang turismo ng kanilang probinsiya.
“At least ‘pag na-promote namin nang husto ang turismo, eh, tataas ang revenues, at siyempre may mga papasok na trabaho para sa constituents namin,” aniya.
Labindalawang taon nang mag asawa sina Gary at Bernadette. Si Ycee na kanilang panganay ay eleven years old na, puwede ring mag-artista at maaari rin namang sumunod sa yapak niya bilang politician.
“Kahit nasa pulitika na rin tayo, eh, never kong iiwanan ang pagiging artista. Sa totoo lang, kasi ‘pag tinatanong ako kung ano ang career ko, eh, sasabihin kong artista ako,” napangiting banggit ni Gary.
Samantala, tuwang-tuwa si Gary sa career ng kanyang panganay na anak na si Kiko Estrada na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa showbiz. Kasama na ngayon si Kiko sa seryeng Annaliza. – Jimi C. Escala
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/gary-may-payo-kina-aga-at-goma/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment