Monday, May 27, 2013

KABABAANG-LOOB

Tulad ng dapat asahan, kabi-kabila ang mga protesta ng mga natalong kandidato sa nakaraang 2013 midterm polls – protesta na tumatagal hanggang sa susunod na halalan. Tila walang katapusan ang kulturang pampulitika na ito, lalo na kung iisipin ang paniniwala ng marami – natalo kapag nadaya, nanalo kapag nandaya.



Subalit isang kabalintunaan na sa kabila ng pagkatalo ni dating Senador Ramon Magsaysay, Jr. sa nakalipas na eleksiyon, nagpamalas siya ng walang pagkukunwaring kababaang-loob o magnanimity. Hinahangad niya na ang 12 bagong-halal na Senador ay manatiling nakayakap sa pinakamataas na pamantayan ng integridad, pananagutan at paglilinkod sa bayan. Isa siya sa tatlong LP senate bets na hindi pinalad sa katatapos na halalan, bagama’t dalawang termino (12 taon) rin naman siyang nanungkulan sa Senado.


Tumitimo ang mensahe ni Magsaysay, hindi lamang sa mga nanalo at kasalukuyang mga Senador kundi sa lahat ng mga inihalal na lingkod ng bayan na hindi tapat sa tungkulin; na madaling makalimot sa kanilang mga pangako na talaga namang nanatiling nakapako, wika nga. Karaniwan nating naririnig – madali silang lapitan subalit mahirap namang matagpuan. Hindi kabilang dito, siyempre, ang mga lingkod ng bayan na walang inaalagata kundi maging tapat sa bayan.


Tandisang sinabi ni Magsaysay na hindi siya natalo. Bagkos, iyon ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na gampanan ang inaakala niyang makabubuti sa sambayanang Pilipino. “It is God’s will that I remain in private life, but I will continue to serve our country and people even as an ordinary citizen.” Hindi ko yata narinig sa ibang natalong mga pulitiko ang ganitong makabuluhang mensahe.


Tulad ni Magsaysay, ang taumbayan ay umaasa na ang mga public servant ay mananatiling tapat – walang bahid ng pagmamalabis, pangungulimbat at tunay na role model.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/kababaang-loob/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment