Asahan ang dalawang magandang karerang magaganap bukas at sa Huwebes dahil sa dalawang carry over ng Winner Take All sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas at Manila Jockey Club Inc. (MJCI) sa Carmona, Cavite.
Tiniyak na tatabo ang benta sa karerarang gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona bukas dahil sa carry over na P882,090.
Ang carry over ay sanhi sa pagkabigo ng racing fans na masungkit ang 2nd WTA noong Linggo matapos umulan ng dehado sa kalagitnaan ng karera.
Sa Huwebes naman ng gabi, tiyak na maghahanda ang ang mga karerista sa Metro Turf sa Malvar dahil sa carry over na P1,027,560 sa Winner Take All nang pumaltos din ang mga taya noong Biyernes ng gabi.
Kaya naman tiyak na maghahanda ng puhunan ang mga karerista sa dalawang araw na karera para sumali sa magkahiwalay na carry over.
Batid na ang pag-aaral na gagawin ng mga karerista sa mga nakalipas na takbo ng mga lalahok upang pumili at isama sa WTA.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/magkahiwalay-na-carry-over-inaabangan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment