Ni Mary Ann Santiago
Umapela ang isang Katolikong Obispo sa mga mananampalataya na gawing banal ang Santacruzan at Flores de Mayo sa bansa, at iwasan ang mga gay procession at fashion show sa mga nabanggit na relihiyosong pagdiriwang.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo, dapat igalang at gawing taimtim ang naturang mga pagdiriwang dahil mahalagang maipakita ng bawat parokya ang kahalagahan ng debosyon sa Banal na Krus at sa Birheng Maria nang walang halong pambabastos.
Hindi rin pabor ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mga bakla ang lumahok sa Santacruzan at Flores de Mayo at sa pagtatampok ng fashion show sa mga nasabing okasyon.
“Napag-usapan namin ng mga Obispo somehow ang tungkol sa naging kaugalian ng selebrasyon ng Santacruzan at Flores de Mayo. Dini-discourage natin na maging fashion show ang Santacruzan, at pangalawa dini-discourage din natin na ang kanilang Santacruzan ay pag-exploit sa mga gays, na hindi maganda. Insulto ‘yun sa religious component aspect ng Santacruzan,” sinabi ni Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.
Ang marapat, aniya, ay saksihan at bigyang pansin ng lahat ang pananampalataya at mga tradisyong pinaniniwalaan at ginawa ng Mahal na Birheng Maria sa paghahanap sa Banal na Krus.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/obispo-sa-bading-lumayo-kayo-sa-santacruzan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment