Monday, May 27, 2013

Palasyo, nakiramay sa pamilya ng sundalong napaslang

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang MalacaƱang sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa huling serye ng pakikipagbakbakan ng militar sa Abu Sayyaf sa Sulu noong Sabado.


Upang matiyak na mabibigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng pitong tauhan ng Philippine Marines, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nagpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa mga bandido na nasa likod ng pag-atake sa Marine troopers.



“It is really sad when we received this report from the AFP (Armed Forces of the Philippines),” sinabi ni Valte sa radyo DZRB.


“We would like to express our sincere condolences to the families of our soldiers who were killed in action, and again, they were keeping our country safe that allows us to go on doing what we do in our everyday activities,” aniya.


Tiniyak din ng opisyal na mabibigyan ang pamilya ng mga nasawing sundalo ng kaukulang tulong mula sa gobyerno.


Ayon sa ulat, nagsasagawa ng rescue operation ang mga sundalo ng Philippine Marines nang makasagupa ng mga armadong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu. – Genalyn D. Kabiling/Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/palasyo-nakiramay-sa-pamilya-ng-sundalong-napaslang/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment