Hindi binigo ni Roadbike Philippines/ Seven Eleven Racing Team captain Mark John Lexer Galedo ang mga Filipino cycling community sa Hawaii nang magwagi ito at makapagtala pa ng bagong record sa katatapos na 4th Pedal to Meadow 2013 na ginanap sa Isla ng Kaui’i noong nakaraang Linggo.
Nagawang angkinin ni Galedo, dating 2009 Tour of Luzon champion at 2012 Ronda Pilipinas individual champion, ang titulo ng nasabing karera na isang “hill climb race“ na may distansiyang 15.75 milya at may taas na 3,835 talampakan sa pamamagitan ng pagtala ng bagong record na 59 minuto at 29 segundo.
Binura ni Galedo ang dating record na 1:03:47 na itinala ni Eric Lau noong nakaraang taon sa karerang inihatid ng Tradewind Cycling Team at nilahukan ng may 58 mga kalalakihang riders at 16 na kababaihan.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, inangkin din ni Galedo ang premyong $1,000 bilang King of the Mountain na iginawad sa kanya ng mayor ng Kaui’i Island na si Bernard Carvalho Jr.
“Nagpapasalamat po ako sa mga taga Philippine Hawaii Cycling Club sa pagimbita nila sa amin para makalaro dito lalo na po kay Mr. Angelo Catiggay at Mr. Russel Reynolds,“ pahayag ni Galedo.
Ang PIHI ang siyang nag-imbita sa Roadbike Philippines para makasali si Galedo sa karera na sanctioned ng USA Cycling.
Sila rin ang nag-asikaso sa lahat at sumagot ng pamasahe at maging ng pagpoproseso nn visa ni Galedo at mga kasama nitong Roadbike Philippines officials na sina Pablito “Bong“ Sual (president), Gary Advincula (administrative director) at consultant Atty. Froilan Dayco. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/pinoy-cyclist-nagkampeon-sa-hawaii/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment