Personal na iprinisinta ng magamang alkalde at bise alkalde sa Nueva Ecija ang kanilang sarili sa Department of Justice (DoJ) upang harapin ang paratang sa umano’y halinhinan nilang ginahasa ang isang dalagitang kalahok sa beauty pageant sa lalawigan.
Sa pagdinig ng Department of Justice (DoJ) sa mga kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), mariing itinanggi nina outgoing Pantabangan Mayor Romeo Borja Sr. at outgoing Vice Mayor Romeo Borja Jr. ang alegasyong rape laban sa kanila.
Nagsumite rin ang mag-ama ng tig-dalawang pahinang counteraffidavit sa kaso.
Sa affidavit ng alaklde, iginiit niyang politically motivated ang kaso dahil itinaon ang pagsasampa ng reklamo bago ang eleksiyon nitong Mayo 13.
Sa affidavit naman ng bise alkalde, sinabi niyang pawang kasinungalingan ang inilahad ng 17-anyos na biktima sa complaint affidavit nito.
Iginiit ng mag-amang akusado na walang katotohanan ang paratang ng biktima na nagsasabing maraming beses siyang dinala ng mag-ama, sa magkakahiwalay na insidente, sa motel room, tinutukan ng baril at ginahasa.
Sinabi ng biktima na nangyari ang magkahiwalay na panghahalay ng mag-ama simula Mayo 2011 hanggang Nobyembre 2012, noon siya ay 15-anyos pa lang.
Kapwa natalo sa hangad na re-election ang mag-ama, matapos na mahalal si Lucio Uera laban kay Borja Sr. at si Ruben Huerta naman ang nagwaging bise alkalde laban sa nakababatang Borja. – Beth Camia
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/rape-sa-dalagita-itinanggi-ng-mag-amang-alkalde-bise-alkalde/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment