Monday, May 27, 2013

Reshuffle sa traffic enforcers, ipatutupad

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3, magsasagawa ng pagbalasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa puwesto ng mga traffic enforcer ng ahensiya sa mga lansangan sa Metro Manila.



Nais ni Tolentino na maiwasan ang pagiging pamilyar ng mga traffic enforcer sa kani-kanilang lugar, gayundin sa mga reklamo ng pangingikil sa mga motorista sa mga kalsada sa Metro Manila.


Nilinaw pa ng MMDA chief na aalisin niya sa posisyon ang mga traffic enforcer na may seryosong mga paglabag, at ililipat din ng puwesto ang mga may nakabimbin at hindi nareresolbang kaso.


Bukod sa mga traffic enforcer, makatutuwang ang 500 kasapi ng rescue team ng MMDA para sa pagsasaayos at pagmamando ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa pagbubukas ng klase.


Nabatid na sumailalim sa iba’t ibang pagsasanay ang mga miyembro ng MMDA Rescue Battalion, hindi lang sa pagsagip at pagtulong tuwing may kalamidad, ngunit maging sa paglilinis sa mga kanal at daluyan, at pagmamando ng trapiko. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/reshuffle-sa-traffic-enforcers-ipatutupad/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment