Tuesday, May 28, 2013

Saudi anti-narcotics officials, dumating sa bansa

Nagsagawa ng courtesy call kamakailan ang delegasyon ng narcotics control body ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagtutulungan sa pagsugpo sa ilegal na droga sa dalawang bansa.


Sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. na nanguna sa pagdalaw sa bansa ang KSA General Directorate for Drug Control na si Major General Othman Nasser Almhrij, na dumating noong Mayo 25.



Mananatili sa bansa ang KSA anti-narcotics officials hanggang Mayo 31.


Noong Mayo 1, inanyayahan si Cacdac bilang panauhing pandangal sa 2nd Regional Symposium on Narcotics

Control and Information Exchange sa Riyadh, Saudi Arabia.


Ayon kay Cacdac, ang symposium ay magandang oportunidad sa pagbubukas ng linya ng komunikasyon, palitan ng karanasan at kaalaman tungkol sa mga international drug syndicate at drug trafficking operation

at mahusay na pagsasanay sa antidrug forces.


Ayon naman kay Atty. Rose Borja ng PDEA Internal Affairs, nananatili pa rin ang lahat ng estratehiya ng ahensiya sa pagsugpo sa problema sa droga. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/saudi-anti-narcotics-officials-dumating-sa-bansa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment