Kahapon, nabatid natin na walang sino man ang maaaring magpalungkot or mang-inis sa iyo, at walang pangyayari ang maaaring gawin kang miserable puwera na lang kung hahayaan mo. Hindi ang situwasyon ang nagdudulot sa iyo ng ganoong pakiramdam kundi kung paano mo titingnan ang situwasyong iton.
Malaki talaga epekto ng positive thinking.
Narito pa ang ang ilang bagay na maaari mong isuko upang maging masa maligaya ang iyong buhay.
- Isuko na ang pambabatikos.- Iwaksi na ang iyong pangangailangang mambatikos o pumuna sa mga tao o bagay o pangyayari na hindi lapat sa kagustuhan mo. Lahat tayo magkakaiba ngunit magkakapareho rin. Lahat tayo gustong lumigaya. Lahat tayo gustong umibig at ibigin. Gusto nating lahat na inuunawa tayo.
- Isuko ang iyong pangangailangang magpa-impress. – Tigilan mo na ang pagiging trying hard upang gustuhin ka ng mga tao sapagkat hindi nadadaan iyon sa pagpapa-impress. Kapag tumigil ka sa pagpapa-impress o pagkukunwari at naalis mo na ang lahat ng iyong maskara, at sa sandaling matanggap at mayakap mo ang totoong ikaw, matutuklasan mo na lang na para kang magnet na lumalapit sa iyo ang mga tao.
- Isuko mo na ang iyong pagtanggi sa pagbabago. - Mainam ang pagbabago. Sa pagbabago, makakikilos ka mula sa isang lugar at sa susunod. Makatutulong ang pagbabago sa pagpapaunlad ng iyong buhay pati na sa iyong mga mahal sa buhay. Kaya huwag mong labanan ang pagbabago. Sa isang silid na puro dingding, magbibigay sa iyo ng pinto ang pagbabago.
- Isuko mo ang iyong pangamba. – Ang pangama ay isa lamang ilusyon, hindi iyon tunay sapagkat ikaw lang ang lumikha niyon sa iyong isip. Sabi nga ni Franklin D. Roosevelt, “The only thing we have to fear is fear itself.“
Sundan bukas.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/tumigil-ka-na-sa-pagbatikos/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment