Monday, May 6, 2013

VP Binay, tinuruan ni Yao Ming sa tamang pag-dribble

Ni JC Bello Ruiz/Manila Bulletin


Mistulang isang bata na tinuturuan sa tamang paglalaro ng basketball, ipinakita ng seven-footer na retired NBA player Yao Ming kay Vice President Jejomar Binay ang tamang pag-dribble.


“You cannot dribble the ball like that. That’s lifting,” narinig ng marami nang pagsabihan ni Yao si Binay, na nagmistulang duwende sa height nito na limang talampakan, habang idini-dribble ang isang bola na nilagdaan ng Chinese cager.



Nag-courtesy call si Yao, may-ari ng Shanghai Sharks Team, kay Binay sa tanggapan nito sa Coconut Palace sa Pasay City.


Kilala rin bilang “palming” na isang violation sa basketball, nagtatagal ng ilang sandali ang bola sa palad ng player na mahigpit na ipinagbabawal sa naturang laro.


Manghang-mangha ang Vice President sa mala-toreng tangkad ng dating Houston Rockets player at hindi napigilan na ilang beses na tingnan ang kanyang bisita mula ulo hanggang paa.


Magtatapat ang koponan ng Shanghai Sharks sa dalawang goodwill game laban sa Smart Gilas-Pilipinas team kahapon sa Mall of Asia-Arena kahapon at sa Smart-Araneta Coliseum ngayong Martes.


Noong 2009, nakaharap ni Binay habang siya ay naninilbihan bilang mayor ng Makati City si Ijaz Ahmed, isang Pakistani na may tangkad na 8-foot, four-inches na itinuturing na pinakamatangkad noong panahon na iyon.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/vp-binay-tinuruan-ni-yao-ming-sa-tamang-pag-dribble/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment