Wednesday, May 1, 2013

14-anyos pinuwersa na magbuntis

LONDON (AP) – Pinuwersa ng inang desperadong magkaanak ng isa pa ang kanyang 14-anyos na anak na magbuntis sa pagturok ng donor sperm.


Sa desisyon na iniulat noong Lunes, sinabi ni High Court judge Peter Jackson na “wicked and selfish“ ang ginawa ng ina. Naisip ng babae, diborsiyadong Amerikana na naninirahan sa Britain kasama ang tatlong ampon, ang plano nang harangin ng estado ang tangka niyang pag-aampon ng ikaapat na bata. Ayon sa testimonya, tinurukan ng ina ang kanyang panganay ng sperm na binili nito sa Internet sa Denmark-based company na Cryos International.


Sa kanyang desisyon, sinipi ng hukom ang sinabi ng dalagita na nagulat siya sa mungkahi ng ina, ngunit inisip na, “If I do this… maybe she will love me more.“ Nabuntis ang bata ngunit nakunan. Anim na beses pa itong sinubukan ng ina, hanggang sa magsilang ang dalagita ng lalaking sanggol noong Hulyo 2011, nang siya ay 17. Inalerto ng ospital ang mga awtoridad, at isinailalim ang mga bata sa foster care. Ang ina ay nagsisilbi na ngayon ng limang taon sa kulungan sa salang child cruelty.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/14-anyos-pinuwersa-na-magbuntis/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment