Wednesday, May 1, 2013

Nadal, magiging hadlang kay Djokovic

LONDON (Reuters) – Para kay Rafael Nadal na tulayin ang 7,000point gap kay Novak Djokovic sa ATP rankings ay tila isa itong tall order, kahit pa may kuwalidad ang manlalaro, subalit isa pa rin siyang babala sa pinakaaasam ng Serb na tapusin ang 2013 bilang world No. 1.



Rafael Nadal Ipinagdiinan ng Florida-based Russian na bagamat tinututukan nito ang kanyang multiple business ventures, mananatiling nakapokus sa kanyang tennis career ang kaakit-akit na manlalaro.


Habang ang French Open ay lalong umiinit, magbabalik si Nadal sa claycourt groove matapos ang knee injury na nagging dahilan ng kanyang pamamahinga ng pitong buwan.


Napagwagian ng Spaniard ang apat na mga titulo sa anim na torneo simula nang magbalik sa Chile noong Pebrero, tumapos na runner-up sa ibang dalawa pa.


Magsisimula sa Madrid sa susunod na linggo, kung saan ay nakaranas siya ng sorpresang third-round exit noong nakaraang taon sa compatriot na si Fernando Verdasco, makapagsisimula si fifth-ranked Nadal na may matinding kampanya.


Habang ang Mallorcan ay kinailangang idepensa ang 3,000 points sa Rome Masters at pagkatapos sa Roland Garros, kung saan ay hahabulin nito ang walong French Open title, sa ikalawang half sa taon na ito na aniya’y win-win situation para sa 11-times grand slam champion.


Ang stunning second-round defeat kay Czech Lukas Rosol sa Wimbledon noong nakaraang taon ang nagpatunay bilang huling match nito noong 2012, nangangahulugan na ang Spaniard ay magkakaroon ng anim na buwan na anihin ang ranking points at isara ang gap sa nasabing panahon.


Umaasa naman si Djokovic na tumapos sa tatlong magkakasunod na season bilang world No. 1 subalit si Brad Gilbert, dating world number four at coach ni Andre Agassi, ay naniniwalang si Nadal ang magiging tinik sa lalamunan ng Serb sa taon na ito.


“To me this is the meatiest part of the season,“ pahayag ni Gilbert sa ATPWorldTour.com.


“You’ve got two Masters 1000s back-to-back and then the French and Wimbledon. That’s 6,000 points up for grabs over a short stretch, and what happens during this time will set the tone as to who has a shot of finishing No. 1.“


“Djokovic is in good position now but it still could be a very tight race.“


Idedepensa nina Djokovic, world number two Roger Federer at number three Andy Murray ang kinakailangang puntos matapos ang French Open, at `di magakroon si Nadal ng injury setbacks.


Sinabi ni Gilbert na ang naging desisyon ni Nadal na antalain ang kanyang pagbabalik bago ang Australian Open at pag-atras sa Miami Masters ay nagkaroon naman ng magandang kahulugan.


“What a tremendous effort to be in the final every week he’s played. I love the way he goes about his business,“ pagmamalaki ni Gilbert. “He didn’t rush back until he was close to 100 percent, and the results back up that he made the right decision.“




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/nadal-magiging-hadlang-kay-djokovic/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment