Matapos umatras ang mga guro sa pagsilbi sa araw ng halalan, ilang kasapi ng Philippine National Police ang itinalaga para magsilbing Special Board of Election Inspectors (BEI), sinabi isang opisyal kahapon.
Ayon kay Chief Supt. Miguel Antonio, deputy national Task Force SAFE commander 2013, sasanayin ng Commission on Elections (Comelec) ang 177 pulis para magtrabaho bilang mga BEI sa Lanao del Sur.
Kabilang ang Lanao del Sur sa 15 area of concern na tinukoy ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ng PNP kaugnay sa halalan.
Sinabi ni Antonio na hiniling ng Comelec sa PNP na magpadala ng ilan sa kanilang mga tauhan para magsilbing BEIs sa Mayo 13 sa nasabing lalawigan dahil tumanggi ang mga guro na magpatuloy sa kanilang tungkulin.
Aniya, sasanayin ng Comelec ang mga pulis sa Mayo 8 at Mayo 9 sa Cagayan de Oro City kung paano paganahin ang precinct count optical scan machines na gagamitin sa idaraos na automated elections.
Sinabi ni Antonio na ang mga pulis ay magsusuot ng kanilang proper police uniform at gagamitin ang identification card na ipagkakaloob ng Comelec habang isinasagawa nila ang kanilang mga tungkulin sa susunod na linggo. – Philippine News Agency
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/177-pulis-magsisilbing-bei-sa-lanao-del-sur-guro-umatras/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment