Tuesday, May 7, 2013

Oplan Baklas-Poster vs Nancy

Inalmahan kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang mga ulat hinggil sa umano’y operasyong “baklas-poster“ laban sa mga UNA senatorial candidate, partikular kay Nancy Binay.


“We have received documented reports of baklas-poster operations specifically targeting Nancy Binay in many parts of the country, from Kalinga-Apayao, Tarlac, Cebu, and parts of Mindanao. These are not isolated acts, but clearly a well-organized and well-funded operation,“ pahayag ni UNA secretary general at campaign manager Toby Tiangco.



Ang mga report aniya ay galing sa mga suporter ni Binay matapos ang kanilang inilagay na mga poster ay tinanggal nang sumunod na araw. Ang kahalintulad na insidente ay iniulat din mula sa iba pang bahagi ng bansa.


“These are clearly acts that remind us of the harassment during the Arroyo administration but which the ruling party has conveniently embraced,“ diin ni Tiangco.


Unang tinuligsa ng UNA ang pinaigting na demolisyon o paninira sa mga kandidato ng partido kung saan titindi pa umano ito sa araw mismo ng eleksiyon.


“The Filipino people are tired of the dirty politics of the past. But it is something that the administration party resorts to in its desperate bid to stop the snowballing support for UNA and its candidates,“ sabi nito.


Iniulat din ng UNA ang mga tangkang pang-aasar kay senatorial candidate Jack Enrile at patuloy din ang paninira laban kina JV Estrada and Migz Zubiri sa pamamagitan ng mga text blast campaign. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/oplan-baklas-poster-vs-nancy/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment