Monday, May 27, 2013

2 drug pusher, arestado sa Davao City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang big-time drug pusher sa buy-bust operation sa Davao City kamakalawa.


Kasama ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF), sinorpresa ng PDEA sina Yasser Nandang, 61, ng Barangay Tukanas, Cotabato City; at Krap Buisan, alyas Raffy, 20, ng Bgy. Malagapas, Cotabato City.



Makaraang magpositibo ang pagmamanman ng awtoridad sa ilegal na aktibidad ng dalawang suspek, agad na ikinasa ang entrapment operation sa tapat ng isang restaurant sa Davao City.


Naaresto ng PDEA Regional Office Special Enforcement Group sina Nandang at Buisan nang iniaabot umano ang bag na naglalaman ng shabu sa isang PDEA agent.


Base sa report ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., nasamsam sa mga suspek ang may100 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P900,000, at P1,000 drug money. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/2-drug-pusher-arestado-sa-davao-city/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment