HINDI natuloy ang interview ni Jed Salang sa The Buzz nitong nakaraang Linggo. Pero may panibagong twist sa istoryang ito.
Ayon kay Boy Abunda, si Jed mismo ang nakiusap na huwag na munang magsalita. May mga dapat pa raw pag-isipan ang dating asawa ni Ai Ai de las Alas bago ipaliwanag ang isiniwalat ng comedy queen hinggil sa paghihiwalay nila.
Inamin ni Kuya Boy na nagkausap na sila ni Jed at may mga isiniwalat na sa kanya ang estranged husband ng alaga niyang si Ai Ai delas Alas. Handang-handa na sana ang lahat ng crew and staff ng The Buzz sa gagawing “pasabog” din daw sana ni Jed against Ai Ai de las Alas, pero umatras nga ito.
Iginalang naman ng King of Talk ang desisyon ni Jed Salang, na humingi ng paumanhin sa kanya.
Pero what this we heard from a reliable source na kung si Jed ay medyo bantulot na magsalita, very eager daw namang magsalita sa media ang nanay nito?
May mga pumipigil lang daw sa nanay ni Jed Salang pero kung anu-ano na raw ang binibitiwan nitong mga salita bilang pagtatanggol sa sinasabi raw nitong pang-iinsulto sa kanyang anak.
Makakatulong kaya sa problema ng anak niyang si Jed ang kanyang pagpapa-interview? Hindi kaya lalo lang makatanggap ng mga pagbatikos si Jed at paratangan siyang mama’s boy?
From the same source, nalaman namin na may pangarap daw palang mag-artista si Jed Salang. –Jimi Escala
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/nanay-ni-jed-salang-magpapainterbyu/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment