Tuesday, May 7, 2013

72,000 bilanggo, boboto sa Mayo 13

Ni Czarina Nicole O. Ong/ Manila Bulletin


Wala man silang kalayaang gawin ang kanilang naisin, maaari namang gamitin ng lahat ng bilanggo sa bansa ang kanilang karapatang bumoto sa Lunes.


Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na handa ang tauhan nito para a eleksiyon sa Mayo 13 sa pakikipagugnayan sa Commission on Elections (Comelec) upang makaboto ang mga bilanggo.



Sinabi ni BJMP officer-in-charge Chief Supt. Diony D. Mamaril na ikinasa ng lahat ng bilangguan na pinangangasiwaan ng ahensiya ang kanilang operational plan para sa eleksiyon.


Kaugnay nito, nagdeklara ng red alert status ang BJMP sa araw ng halalan kung saan personal na mag-iinspeksiyon si Mamaril sa iba’t ibang piitan upang matiyak ang maayos at malinis na pagboto ng mga bilanggo.


“We have to ensure the security of our inmates during the conduct of elections in our jails. That is our priority,“ sinabi ni Mamaril.


Tiniyak naman ni Mamaril na mahigpit niyang ipinagbabawal sa lahat ng kawani ng BJMP na makisawsaw sa ano mang aktibidad na may kinalaman sa pulitika.


“The bureau will not dictate on the candidate of choice of its inmates as well as personnel,“ ani Mamaril.


Maging ang mga jail guard at ibang tauhan ng BJMP ay hinikayat ng opisyal na makibahagi sa naturang political exercise.


Tinatayang aabot sa 72,000 bilanggo ang kasalukuyang nakapiit sa 459 detention center sa buong bansa.


Sa naturang bilang, 27,803 bilanggo ang nakarehistro para sa May 13 elections, 24,871 sa kanila ang makaboboto sa loob ng kulungan habang 2,932 ang bibigyan ng escort upang makaboto sa mga polling precinct.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/72000-bilanggo-boboto-sa-mayo-13/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment