Ni Mike U. Crismundo
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala kahapon ang mga awtoridad sa publiko laban sa mga pekeng pera na nagkalat ngayon sa Mindanao, partikular sa Northern at Northeastern Mindanao.
Ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agency makaraang kumpirmahin na may isang sindikato na nagpapakalat ng mga pekeng P500, P200 at P100 bills sa Mindanao.
Nakumpirma ang sindikato matapos na maaresto ng pulisya kamakailan sa Cagayan de Oro City ang tatlong miyembro ng isang sindikato. Pansamantalang hindi idinetalye ang pangalan ng mga suspek hanggang hindi pa nadadakip ang lider at mga kasama ng mga ito.
Hindi rin muna pinangalanan ng Cagayan de Oro City Police ang grupo habang isinasagawa ang imbestigasyon at follow-up operations sa kaso.
Gayunman, sinabi ng ilang source mula sa pulisya na ang grupo ay “a big organized crime ring“.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang mga pekeng pera ay ginagawa sa kalapit na probinsiya ng Lanao, at ipinakalat sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, El Salvador, Iligan, Gingoog, Butuan, Malaybalay, Valencia at sa iba pang lalawigan sa Mindanao.
Humingi na ng tulong ang Cagayan de Oro City Police sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tungkol sa sindikatong nagpapakalat ng pekeng pera sa Mindanao.
Ayon sa pulisya, nagsimula na ang sariling imbestigasyon ng BSP, partikular sa mga ulat na sangkot umano ang ilang pulitiko sa produksiyon at pagpapakalat ng mga pekeng pera.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/pekeng-pera-kalat-sa-mindanao/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment