Walong gold medal ang nakataya ngayon sa pagbubukas ng centerpiece event ng athletics sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2013 POC-PSC National Games na gaganapin sa Philsports Complex track oval sa Pasig City.
Kabilang sa unang gold na paglalabanan ay ang 3,000 meters men’s at women’s run.
Nakahanay din sa unang finals events sa athletics competiton ay ang women’s at men ‘s long jump.
Ngunit ayon sa isang insider sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na hindi nagpabanggit ng kanyang pangalan, hindi makakasali ang mga atletang inaasahang siyang mangunguna sa mga nabanggit na event na sina long distance specialist at SEA Games champion Rene Herrera at long jump champion Marestella Torres.
Sinasabing kapwa may iniindang injury ang dalawang national track athletes kung kaya’t napabalitang hindi sila makalalahok.
Sa iba pang mga resulta, sa archery na ginanap naman sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta.Mesa, nagwagi naman ang beteranong archer at ang dating Olympian na si Joan Chan Tabanag.
Nagtala si Tabanag ng kabuuang 665 puntos para makopo ang gold medal sa women’s compound double 50 kung saan tinalo niya ang nagbabalik na si Amaya Cojuangco (663) at ang dati ring Olympian na si Jennifer Chan (663).
Kasama ni Tabanag na nagwagi ng gold medal sa individual events ay sina PH team mainstay na si Flor Matan sa men’s recurve 70 matapos magtala ng 640, Ian Chipeco ng Team Benel sa men’s compound double 50 at Olympic round compound, Tehoedore Cabral ng AIM-X sa Olympic round recurve, Jugi Llanto ng Cebu sa boys recurve 70, Anton Soriano ng Benel sa boy’s compound double 50, Karteel Hongitan ng Baguio sa girl’s recurve 70, national team member Rachelle de la Cruz sa women’s Olympic round at Marie Crizablee Merto ng SUDAC sa women’s recurve 70.
Ang 17-anyos na si Chipeco ay anak ng asawa ng sportscaster na si TJ Manotoc.
Ayon kay Manotoc sa mensaheng kanyang inilabas sa kanyang Twitter account, halos nakakadalawang taon pa lamang na sumasabak sa sport si Chipeco.
“He only started competing two years ago and he took up strength coaching and mentoring mediation which helped his focus tremendously,” ayon pa kay Manotoc. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/8-golds-paglalabanan-sa-athletics/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment