ISULAN, Sultan Kudarat – Sinabi ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Hadz Murad Ebrahim na hindi maitatanggi ang paggamit ng ilang pulitiko ng tinaguriang “Guns, Gold and Goons” sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nitong eleksiyon.
Sinabi ni Murad na tiyak na nakaapekto ito sa integridad ng midterm elections noong Mayo 13.
Kaugnay ng nasabing pahayag, sinabi ni Bobby Taluntong, ng poll watchdog na C-Cares, na ilang araw bago ang eleksiyon ay marami na ang reklamo at nakumpirmang balita na ilang maiimpluwensiyang pulitiko ang namimigay ng sample ballot na may kalakip na P500 hanggang P1,000 upang iboto ang nasa sample ballot.
Inamin naman ng maraming nakatanggap ng nasabing sample ballot na hindi nila magawang makapagsumbong sa awtoridad dahil sa matinding takot dahil armado ang maraming tagasunod ng kandidatong namili ng boto.
Dismayado naman ang isang nakapanayam na first-time voter sa sistema ng kampanya at eleksiyon sa ARMM, partikular sa Maguindanao.
Una nang sinabi ni Murad na isa sa mga layunin ng bubuuing Bangsamoro political entity ang maiwasan ang nasabing mga nangyayari tuwing halalan. – Leo P. Diaz
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/dumanas-ng-guns-goons-gold-takot-magsumbong/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment