Numero uno pa rin ang ABS-CBN sa buong bansa. Nanguna ito sa nationwide TV viewing sa mga urban at rural na kabahayan nitong Abril sa naitalang average total day audience share na 42%, o 12 puntos na mas mataas sa 30% ng GMA, base sa resulta ng survey ng Kantar Media.
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 1,980 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
Kahit sa primetime (6PM-12MN) ay hindi rin natinag ang ABS-CBN sa nakamit nitong average national audience share na 46%, o 17 puntos na lamang kumpara sa 29% ng GMA. Primetime ang pinakamahalagang timeblock kung saan pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.
Bukod sa primetime, lalo pang lumakas ang early afternoon block (12NN-3PM) ng Kapamilya network sa average audience share nitong 41%, o tatlong puntos na pagtaas sa 38% na nakuha nito noong Marso, habang bumaba naman ng isang puntos ang GMA sa parehong time block sa 32% mula 33%. Ang pagtaas nito ay dala na rin ng pagdami ng tumututok sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, na nagtala ng national TV rating na 13.7% at tinalo ang Eat Bulaga (12.4%).
Nanatili ring palaban ang ABS-CBN maging sa umaga (6AM-12NN) sa audience share nitong 37% kontra sa 32% ng GMA, at sa late afternoon (3PM-6PM) na nakakuha ng 36% laban sa 29% ng GMA.
Samantala, labindalawa sa top 15 na pinaka-tinutukang programa noong Abril ay mula sa ABS-CBN. Ang superhero drama na Juan dela Cruz ang nanguna sa listahan na may national TV rating na 33.4%, o mas mataas na 14 puntos laban sa kalabang programang Indio (18.6%).
ABS-CBN din ang mas pinapanood ng mga Pilipino kapag weekend kaya namang wagi ang Maalaala Mo Kaya sa national TV rating na 29.1% at ang Wansapanataym (27.4%).
TV Patrol pa rin ang tinututukang newscast at ang natatanging newscast sa top 15 list na nagtala ng 24.2%.
Sa unang pagkakataon naman ay pumasok sa top 15 ang comedy talk show na Gandang Gabi Vice, na pumalo ng national TV rating na 21%.
Umariba rin ang Minute to Win It, na kamakailan ay sinimulan ang edisyon nito para sa mga bata, na bumalik sa top 15 sa national TV rating na 18.6%.
Be Careful With My Heart pa rin ang pinakapinapanood na daytime program ng bansa sa national TV rating na 24.8% at tinalo ang bagong katapat na The Ryzza Mae Show na nakakuha lang ng 10.4%.
Kabilang din sa top 15 ang iba pang ABS-CBN shows na Ina Kapatid Anak (32.4%), Apoy sa Dagat (22.4%), Pilipinas Got Talent (23.7%), Kapamilya Deal or No Deal (18.3%), at Rated K (18.1%).
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/abs-cbn-nangunguna-pa-rin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment