Monday, May 6, 2013

Lady Bulldogs, target ang semifinals

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Arena)

2 p.m. San Sebastian College vs. University of Perpetual Help

4 p.m. National University vs. De La Salle-Dasmarinas


Ikatlong sunod na panalo na pormal na magdadala sa kanila sa semifinals ang target ng National University sa kanilang pakikipagtuos sa De La Salle-Dasmarinas sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 10 first conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.



Mataas ang morale at inspirado matapos gapiin ang defending champion Ateneo de Manila Lady Eagles noong nakaraang Linggo, 25-15, 25-12, 26-24, muling pinapaboran ang Lady Bulldogs kontra sa katunggaling Lady Patriots na bitbit ng 0-1 buhat sa pagtatapos na No. 3 squad sa nakaraang eliminations sa Group A.


“Basta magtuluy-tuloy lang ‘yung magandang laro namin at sana lagi silang manatiling focus sa laro, huwag manggigigil, kailangan relax lang at i-enjoy nila ang game,” pahayag ni NU coach Edjet Mabbayad.


Una rito, mayroon nang dalawang talo, kasama na ang carryover loss buhat sa eliminations, magtatangkang bumangon ng San Sebastian Lady Stags para patuloy na buhayin ang pag-asang makatuntong sa semifinal round sa pagsagupa nila sa reigning NCAA champion University of Perpetual Help.


Nabigo ang Lady Stags sa loob ng apat na sets sa unang laro nito sa quarterfinals sa kamay ng Adamson Lady Falcons habang gaya naman ng La Salle-Dasma, ngayon pa lamang sasalang sa quarters ang Lady Altas subalit may dala na rin itong 0-1 baraha buhat sa pagtatapos na No. 4 sa Group B sa eliminations.


Malaking tanong ngayon kung kaya pa bang ibangon nina dating league MVP Suzanne Roces at ang resident Thai import ng San Sebastian na siya ring kasalukuyang league leading scorer na si Jeng Bualee ang pag-asa ng Lady Stags na makausad sa Final Four round?


Muli, sasandigan ni Mabbayad para sa hangad na pagkopo ng Lady Bulldogs ng unang semifis seat sina Denise Santiago, Myla Pablo, guest player na si Jaja Santiago at Rubie de Leon at Cai Nepomuceno.


Sisikapin naman silang tapatan nina guest players Jennifer Manzano, Iari Yongco, Monique Tiangco at Cherry Rose Nunag para sa Lady Patriots.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/lady-bulldogs-target-ang-semifinals/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment