Mga laro ngayon: (Smart-Araneta Coliseum)
5:15 p.m. San Mig Coffee vs. Alaska
7:30 p.m. Talk `N Text vs. Ginebra
Gamitin ang momentum na kanilang nakuha sa pagkakapanalo sa Game Two ng kanilang best-ofseven semifinals series ang tatangkain ng Alaska at Talk `N Text sa pagpapatuloy ng bakbakan sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.
Bumuwelta ang Aces buhat sa 69-71 kabiguan sa kamay ng defending champion San Mig Coffee Mixers sa Game One nang padapain nila ang huli, 86-67, sa Game Two.
Bumawi din ang Tropang Texters mula sa 81-104 paglampaso sa kanila ng Barangay Ginebra San Miguel Kings sa Game One matapos ang 85-79 panalo sa Game Two.
Unang sasalang sa Game Three para pag-agawan ang muling pag-abante sa puwesto ang Mixers at ang Aces sa ganap na alas-5:15 ng hapon habang sa ganap na alas-7:30 ng gabi magtatagpo ang Tropang Texters at ang Gin Kings.
Mistulang nabunutan ng tinik ang Aces nang maitala ang unang panalo kontra sa Mixers matapos ang unang siyam na sunod na pagkatalo mula nang hawakan ang koponan ng dati nilang head coach na si Tim Cone.
At dahil dito, lalo silang naging inspirado para abutin ang kanilang misyon na makarating sa finals.
Kaya naman walang pagaalinlangan si coach Luigi Trillo na nagsabing muli niyang didikdikin ang kanyang koponan para mas lalo pang maging agresibo sa susunod na laban at manatiling mainit sa pag-atake pagdating sa Game Three.
Muli, aasahan ni Trillo ang import na si Robert Dozier para pamunuan ang kanilang misyon kontra sa Mixers na pangungunahan naman ng nakaraang taong Best Import na si Denzel Bowles na pipiliting makabawi sa kanyang ipinakitang malamyang laro sa Game Two kung saan ay nakapagtala lamang siya ng 8 puntos, 17 rebounds at 2 steals kumpara sa una na nakaiskor siya ng 28 puntos, 27 rebounds, 2 assists at 1 block.
Samantala, sa tampok na laro, gaya ng kanyang dating paniniwala, muling sasandigan ni Tropang Texters coach Norman Black ang depensa na sinasabing muling maghahatid sa kanila sa kampeonato.
Matapos magwagi sa Game Two, sinabi ni Black na lalo pa siyang magpopokus sa depensa sa susunod na laban.
“Defense will be the key in this series. We will try to-play defense with more focus and more intensity and that’s what will take us to the finals,“ pahayag ni Black.
Subalit, hindi makapaglalaro para sa Talk `N Text ang kanilang beteranong point guard na si 2011 MVP Jimmy Alapag matapos itong magtamo ng “calf injury“ habang nag-eensayo para sa Smart Gilas Pilipinas.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, hindi muna makakalaro si Alapag sa loob ng dalawang linggo, ngunit gagawan ng paraan ng mga doctor upang makabalik ito at makabalik agad sa Talk `N Text sa Game Four.
Sa kabilang dako, hindi rin makalalaro ang pambato ng Kings na si reigning league MVP Mark Caguioa na pinilit lamang sumabak sa nakaraang PBA All-Star bilang pagbibigay sa kanyang fans. – Marivic Awitan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/aces-tropang-texters-muling-aatake/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment