Tuesday, May 7, 2013

Mayon volcano nagbuga ng abo; 5 turista patay

Pinayuhan kahapon ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, Jr. ang mga residente sa palibot ng Mayon Volcano na kumalma matapos maiulat na sumabog ang nasabing bulkan kahapon ng umaga.


Paliwanag ni Solidum, ang pagbuga ng makapal na usok ng bulkan dakong 8:00 ng umaga ay hindi maituturing na pagsabog dahil wala naman umanong umakyat na magma sa crater nito.



Aniya, ang makapal na usok ay nag-ugat umano sa mainit na bato na nakulob ang pressure na naging daan upang kumawala ito sa taas na 500 metro mula sa bunganga ng bulkan.


Binigyang diin pa nito na wala umanong naitatalang mga pagyanig sa nakalipas na mga araw kung kaya walang movement sa ilalim ng bulkan.


Sinabi nito na wala ring inaasahang significant lava fall at wala ring dahilan upang magsilikas ang residente sa lugar.


Napilitang lumikas ang daan-daang libong residente sa paligid ng bulkan matapos nilang makita ang pagsabog ng makapal na usok.


Nauna nang naiulat ni Alex Baloloy, Senior Science Research Observer ng Phivolcs Lignon Hill Observatory, nakapagtala sila ng pagyanig sa observatory na nasundan ng malakas na pagsabog at nakita ang ash column na tinatayang may taas na 300 hanggang 500 metro mula sa bibig ng bulkan.


Naiulat na lima katao na umano’y mga turistang ang namatay sa nasabing pagsabog habang pitong iba pa ang nasugatan.


Kabilang ang mga ito sa 20 hiker na umakyat sa nasabing bulkan ilang araw na ang nakalilipas. – Rommel P. Tabbad




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/08/mayon-volcano-nagbuga-ng-abo-5-turista-patay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment