Ni Angie Oredo
Binigo ng 13-anyos na si Cheska Centeno ang dating World 10-Ball at SEA Games gold medalist na si Rubilen Amit sa kanilang muling paghaharap upang isargo ang silya sa kampeonato ng billiards sa POC-PSC National Games kahapon.
Muling tinalo ni Centeno si Amit, 7-3, sa matira-matibay na laro sa losers bracket para makaharap ang kasalukuyang SEA Games 8-Ball at 9-Ball pool champion na si Irish Ranola. Winalis ni Ranola ang lahat ng kanyang laban upang agad na okupahan ang unang silya sa kampeonato.
Umusad naman sa Round of 16 ang top money earner sa mundo na si Francisco “Django” Bustamante matapos na itala ang ikaapat na sunod na panalo sa men’s 9-Ball pool sa torneo na suportado ng STI College, Standard Insurance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corporation, LBC, 7-11, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands, Enchanted Kingdom, Everlast, Innoderm-Metropharma Phil.Inc., Peak Martial Arts, Kix Sports, BSP Employee Association at Spin.ph.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Philippine Air Force sa loob ng apat na set ang De La Salle–Dasmarinas MedTek, 25-21, 23-25, 25-23 at 25-22. Nakatakda naman sagupain ng binubuong koponan na Cagayan Bomberinas ang University of the Philippines sa salpukan sa volleyball.
Tangka naman ng Fil-New Zealand at 22-anyos na si Matthew Madsen na burahin ang national record sa 77kg weight division sa pagsisimula ngayong umaga ng weightlifting na isasagawa sa University of the East Gym sa Recto.
Si Madsen, inaasam nina Weightlifting Association of the Philippines (WAP) coach Antonio Agustin na maging miyembro ng pambansang koponan sa elite squad at hangad na burahin ang national record na 125 kg sa snatch at 165 sa clean and jerk.
Muntik na namang hindi natuloy ang track cycling na itinakda sa Amoranto Velodrome matapos na gamitin ng Quezon City ang pasilidad sa isa nitong proyekto para sa mga kabataan.
Una nang hindi natuloy ang road race at individual time trial na gaganapin sana sa Las Pinas kahit na nakakuha ng kaukulang permiso ang nag-organisang Intergrated Cycling Federation of the Philippines matapos na hindi payagan ng lokal na pamahalaan.
Samantala, magsisimula naman ang mga isport na libreng mapapanood ng mga panatiko na tulad ng arnis sa Pasay Gym, athletics sa Philsports Track Oval, beach volleyball sa UE Caloocan at ang judo sa Amoranto Stadium.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/amit-bigo-sa-png-billiards/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment