Wednesday, May 1, 2013

Arcilla, nagbigay karangalan sa Pilipinas

Pinangunahan ni Johnny Arcilla ng Pilipinas ang limang bagong miyembro ng elite na samahan na ginawaran ng BNP Paribas Commitment Award dahil sa kanilang pagmamahal at pagpupursige na iprisinta ang bansa sa Davis Cup.



Binigyan ng prestihiyoso at matinding pagkilala si Arcilla sa kakalabas lamang na ulat sa website ng Davis Cup kung saan hinirang ang pambansang manlalaro dahil sa kanyang dedikasyon sa torneo at maging sa bansa.


“There were five new men welcomed into the Davis Cup by BNP Paribas Commitment Award club following the latest round of action in April.


We profile the newcomers and look ahead to those poised to win a Commitment Award later this year,” ayon sa website na unang kinilala si Arcilla.


“Johnny Arcilla The man with one of the coolest names in tennis has been a dedicated servant of Davis Cup since making his debut as a 19-yearold against Indonesia. He scored the only point for his nation in that tie and has gone on to become the third most successful man from his country in terms of victories in the competition with a total win-loss record of 27-21,“ nakasaad sa website.


“Arcilla remains dedicated to his country’s cause and as well as competing in various round-robin events, he played his 20th home-oraway tie against Thailand in April. He might have lost his opening singles rubber against Danai Udomchoke but he will surely be in contention to add to his victory tally when Philippines take on New Zealand in the Asia/Oceania Zone Group II play-off in September, with the winner earning a place in Zone Group I,“ ayon pa sa website.


Ang iba pang pinarangalan ay sina Farrukh Dustov ng Uzbekistan, Frederico Gil ng Portugal, Victor Hanescu ng Romania at Denis Estomin ng Uzbekistan.


Naunahan pa ni Arcilla at ng apat na iba pa ang kasalukuyang World No. 1 na si Novak Djokovic na pinakamalaking pangalan sa listahan ng mga manlalaro na kandidato sa karangalan kung saan kailangan na lamang nito na maglaro sa isa pang tie upang makasama sa Davis Cup Commitment Award.


Posibleng makuha ni Djokovic na mula sa Serbia ang titulo kung lalaro ito sa semifinal kontra Canada sa Setyembre. Ang isa sa makakatapat nito na si Frank Dancevic ay kandidato rin sa karangalan.


Nakasama si Arcilla sa natatanging apat na Pilipino na binigyan ng karangalan na unang iginawad kina Felicisimo Ampon, Raymundo Deyro at Juan Johnson Jose.


Si Ampon ay unang naglaro para sa Pilipinas noong 1939 kung saan naglaro ito sa 36 na ties at may total nominations na 36. Mayroon itong 34 panalo at 26 talo sa singles at 6 panalo at 9 talo sa doubles. Mayroon itong kabuuang 40 panalo at 35 talo.


Una naman naglaro si Deyro sa Davis Cup noong 1950 kung saan ay may total nomination ito at naglaro sa 37 ties. Mayroon itong 27 panalo at 24 talo sa singles. May 9 na panalo at 11 talo sa doubles para sa kabuuang rekord na 36 panalo at 35 talo.


Si Jose ay unang naglaro noong 1955 at naglaro sa total nomination na 21 ties. Mayroon itong 12 panalo at 13 talo sa singles habang may 8 panalo at 9 na talo sa doubles. Mayroon itong kabuuang rekord na 20 panalo at 22 talo.


Una naman naglaro si Arcilla noong 2000 kung saan mayroon itong total nomination na 28 bagamat nakapaglaro sa 29 na ties. Mayroon itong 17 panalo at 14 talo sa singles at 10 panalo at 7 talo sa doubles. Sa kabuuan ay mayroon itong 27 panalo at 21 talo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/arcilla-nagbigay-karangalan-sa-pilipinas/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment