Wednesday, May 1, 2013

PhilPop, pumili na ng Final 12 mula sa 3,383 entries

ANG pangunahing mensahe ng “Iyong tema, iyong dyanra, iyong kanta“ ay nakaengganyo sa libu-libong Pilipino sa buong mundo para magsulat ng kanta at ipakita ang kanilang pagiging malikhain. Kamangha-mangha ang bilang ng mga ipinadalang entry na umabot ito sa record-breaking na 3,383 submission!



Karamihan sa mga entry ay nagmula sa Greater Manila Area. Pinakamarami ang nagmula sa Quezon City, Makati, at Maynila.


Ang ibang entry ay nanggaling pa sa United States, Hong Kong, Singapore, Japan, Germany, China, Qatar, Abu Dhabi, Australia, Canada, Norway, Saudi Arabia, United States, Ireland, UK, Thailand, at Macau.


Ang 67% ng entries ay sinulat sa Tagalog, 37% naman sa English. Mayroong ding isang entry na Chabacano ang titik.


Ayon kay Ryan Cayabyab, ang Philpop MusicFest Foundation’s Executive Director, ang batch na ito ang may pinakamaraming iba’t ibang koleksiyon ng entries.


“Karamihan sa aking narinig ay rock, pop, rap, hiphop, folk, R&B, ballad, mayroon ding swing at pangsayaw. May ibang sumubok na gumawa ng modernong kundiman at medyo marami ring novelty na halatang nagpaaliw sa mga hurado. Hindi na ako makapaghintay na marinig ang top 12 ng taong ito na ipapakilala ng mga espesyal nating hurado sa finals night sa July 6, 2013!“


Respetado at kilalang industry proffesionals, record label executives, musikero, composers, singers, artists, ilang personalidad sa radio, at mga tao mula academe ang bumubuo ng mga hurado. Ang komite sa pag-aayos ay umabot sa halos 140 na binubuo ng 4 na stage screening process.


Dahil sa tutok na pangangasiwa ng makapangyarihan negosyanteng si Manny V. Pangilinan, ang pundasyon ay ang kanyang hangarin na nais niyang makatulong sa paglago ng bansa sa pamamagitan ng musika, upang maipakilala ang mapapalad na songwriters at magbigay ng inspirasyon at positibong pananaw sa pamamagitan ng kanilang kanta at bibigyan ng pagkakataong sumikat. Ito ay suportado ng board members na pinangungunahan ni Ricky Vargas, Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado at Butch Jimenez.


Ang kampeon na naging milyonaryo sa unang Philippine Popular Musical Festival noong nakaraang taon ay ang dating miyembro ng Akafellas na si Karl Villuga na lumikha ng kantang Bawat Hakbang na inawit ni Mark Bautista.


Ang PhilPop ay supportado ng Maynilad, Smart, Meralco, PLDT, Resorts World Manila, TV5, Metro Pacific Investments Corporation, NLEX, sun Cellular, the First Pacific Leadership Academy, KBP, at Philex.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/philpop-pumili-na-ng-final-12-mula-sa-3383-entries/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment