ILANG beses nang lumabas ng bansa ang pamilya ni Arjo Atayde na hindi siya nakakasama dahil natatapat sa taping niya ng Dugong Buhay tulad nitong nakaraang linggo na sa Bali, Indonesia nagdiwang ng kaarawan ang kanyang inang si Sylvia Sanchez. Dalawang beses kasi sa isang taon kung bumiyahe sa labas ng bansa ang pamilya Atayde dahil ito bale ang kanilang pinaka-bonding dahil laging abala sa trabaho ang padre de pamilya.
Naintindihan naman si Arjo ng kanyang Daddy Art dahil ito ang pangarap ng binata at nakikitang seryoso siya sa trabaho niya
“Oo nga po, tita, birthday pa naman ni Mama kaya sila nagpunta ro’n (Bali), natapat talagang taping ng Dugong Buhay. Alam naman nina Dad and Mom na hindi ako puwedeng mawala,” paliwanag ng binata.
At dahil maaga rin natapos ang taping ng Dugong Buhay at wala namang daratnang tao sa bahay nila ay nagyaya raw si Arjo sa Subic kasama ang mga katrabahong sina Ketchup Eusebio, Lito Pimentel, Ejay Falcon at iba pa para mag-bonding.
Puring-puri naman ng buong production si Arjo dahil ang galing daw makisama at walang kaartehan sa katawan considering na anak-mayaman.
Talagang nag-i-effort daw ang binata na maging masa, pero halata pa rin daw na anak-mayaman talaga.
“Spoiled si Arjo sa daddy niya,” kuwento ng kanyang ina. “Lahat ng gusto, ibinibigay basta huwag lang gagawa ng hindi maganda, in fairness naman sa lahat ng anak ko, matitino at walang bisyo dahil alam nila kapag nagbisyo siya.
“Mas gusto ni Arjo mag-artista kaysa mag-aral pero nangako siyang tatapusin niya kaya piangbigyan naming mag-showbiz, so far okay naman ang ipinapakita niya at proud kaming lahat sa kanya, lalo na ang lolo niya kasi talagang paborito ‘yan,” kuwento ni Ibyang.
Natatawa nga ang mga taga-production kasi panay daw ang sabi ni Arjo ng, “Hindi ako mayaman, hindi ako spoiled,” pero kapag dumarating sa set ay naka-BMW o Mercedez Benz na sports car.
Ang maganda raw sa binata, laging handa pagdating sa set, saulado ang dialogue at walang problemang ibinibigay sa staff. –Reggee Bonoan
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/arjo-atayde-nagpapakamasang-anak-mayaman/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment