Tuesday, May 28, 2013

TALAK KA NANG TALAK KASI

Sinimulan natin kahapon ang ilang bagay na maaari mong isuko upang maging masa maligaya ang iyong buhay. Ang dami kasi nating hinahawakan sa buhay na nagdudulot sa atin ng kapaitan, pagod, at pagdurusa. Sa halip na isuko natin ang mga iyon at palayain ang ating mga sarili upang maging masaya, humihigpit ang ating pagkakahawak sa mga iyon. Ipagpatuloy natin…



  • Isuko mo na ang paninisi. – Tigilan mo na ang paninisi ng iba sa mga bagay na mayroon ka o wala, sa mga nararamdaman mo o sa wala kang nararamdaman. Tigilan mo na ang pag-aaksaya ng lakas at simulan mo nang maging responsable sa sarili mong buhay.

  • Isuko ko na ang katatalak. – Sure ako na marami kang kakilala sa iyong paligid na talak nang talak dahil sa kanilang negatibo at polluted na mindset. Huwag mong paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng iyong utak lalo na kung negatibo ang mga iyon. Napakahusay na instrumento ang utak kung gagamitin nang tama. Kapag ginamit iyon nang mali , malaking kapahamakan ang idudulot niyon.

  • Isuko na ang mga mali mong paniniwala. – Iwaksi ang iyong mga paniniwala na nagbibigay sa iyo ng limitasyon sa kung ano ang magagawa mo at hindi, sa kung ano ang posible at imposible. Mula ngayon, hindi mo na pakikinggan ang bulong ng iyong maling paniniwala na gumagapos sa iyo sa hindi tamang lugar. Palayain mo ang iyong sarili sa tanikala ng mali ring paniniwala ng iba. Ang paniniwala ay hindi isang idea na hinahawakan ng isip, ito ay isang idea na humahawak sa utak.

  • Isuko mo na ang pagrereklamo. – Pigilan ang sarili kapag dumating na ang sandali na kailangan mo nang magreklamo tungkol sa mga ginagawa ng mga taong nasa iyong paglid kung kaya hindi ka masaya at lalo ka pang nade-depress. Walang sino man ang maaaring magpalungkot or mang-inis sa iyo, at walang pangyayari ang maaaring gawin kang miserable – puwera na lang kung hahayaan mo.


Sundan bukas.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/talak-ka-nang-talak-kasi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment