Ang Vice Finance Minister for International Affairs Takehiko Nakao ng Japan ay nahalal bilang ika-siyam na President ng Asian Development Bank (ADB) na nakabase sa Manila noong Abril 26, 2013, na maglilingkod sa nalalabing termino ni Haruhiko Kuroda hangang Nobyembre 23, 2016. Itinalaga si Kuroda ni Japanese President Shinzo Abe bilang Governor ng Central Bank of Japan noong Marso 18, 2013.
Si Minister Nakao, 57, ay may malawak na karanasan sa finance and development. Kilala sa kanyang kaalaman sa Asian region, may malapit siyang ugnayan sa mga mambbatas sa Asia-Pacific pati na rin sa Group of 20 economies. Aniya, magiging gabay niya ang ADB Strategy 2020 upang matupad ang kanyang misyon sa pagtulong sa imprastraktura sa pananalapi at mga programa sa Asia. Nangako siya na itataguyod niya ang public-private partnerships sa region at pahuhusayin niya ang investment climate. Aniya pa, titiyakin niyang makaaayuda ang Banko sa middle income countries upang lumapat sa advanced economies ng daigdig. Itinatag noong Agosto 22, 1996, ang ADB ay isang regional development bank. Ito ay may 67 miyembro, kung saan 48 ang nasa AsiaPacific, na kinabibilangan ng Pilipinas.
Umanib si Minister Nakao sa Ministry of Finance ng Japan noong 1978. Mula 1994 hanggang 1997, naging senior-level staff economist advisor siya sa International Monetary Fund sa Washington, DC. Noong 2005-2007, siya ang Resident Financial Minister sa Embassy of Japan sa Amerika. Mula Hulyo 2009 hanggang Agosto 2011, naging Director General siya ng International Bureau of Japan. Naging visiting Professor siya sa University of Tokyo noong 2010-2011 at nagturo ng international finance.
Kinatawan niya ang Japan sa Group of Seven at Group of 20 meetings. Isinulat niya ang aklat na “America’s Economic Policies,“ na inilabas noong 2008 at isang lathalain hinggil sa development policy ng Japan.
Binabati natin si Minister Takehiko Nakao sa kanyang pagkahirang bilang ika-siyam na President ng Asian Development Bank. Hangad natin ang kanyang tagumpay. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/bagong-asian-development-bank-president-vice-finance-minister-takehiko-nakao/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment