Wednesday, May 1, 2013

Tracker teams vs. ‘Big 5′

Ibinunyagk a haponni Philippine National PoliceCriminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na 17 tracker team ang kanilang binuo upang tugisin ang mga most wanted na tinaguriang “Big 5” sa paniniwalang nasa bansa lang ang mga ito at patuloy na nagtatago.



Sinabi ni Chief Supt. Francisco Uyami, director ng PNP-CIDG,naniniwala siya na nasa bansa pa rin at patuloy na nagtatago na tinaguriang Big 5.


Ayon kay Uyami, wala umanong mga indikasyon na nakalabas na ng bansa ang tinaguriang Big 5 na kinabibilangan ng magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Mayor Mario Reyes, retired Army Major General Jovito Palparan, dating Dinagat Representative Ruben Ecleo at multi-billion peso housing scam suspect Delfi n Lee.


Ipinaliwanag ni Uyami na batay sa kanilang mga nakuhang impormasyon may mga kaibigan at kamag-anak ng tinaguriang Big 5 ang patuloy na kumakanlong sa lima.


Dahil dito nagbabala ang PNP na mananagot ang sino man mapapatunayang nagkakanlong sa mga tinaguriang Big 5.


Tumataginting na P2 million bawat ulo ang matatanggap ng sino man makapagtuturo o magiging daan ng pagkakaaresto ng Big 5.


Ang magkapatid na Reyes ay nahaharap sa kasong murder matapos iturong nasa likod ng pagpatay sa mamamahayag na si Dok Gerry Ortega sa Palawan, Kasong kidnapping naman ang kinakaharap ni Palparan, habang kasong pagpatay sa sariling asawa ang kinakaharap ni Ecleo habang syndicated estafa naman sa negosyanteng si Lee kaugnay sa kontrabersiya ng Asiatic housing project. – Fer Taboy




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/tracker-teams-vs-big-5/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment