May 150 opisina ng gobyerno ang bumagsak sa RED TAPE TEST na isinasagawa ng Civil Service Commission (CSC). Marami pong kahulugan ang “red tape” na nauukol sa mga taggapan ng ating gobyerno. Halimbawa po ay kung paano pinagsisilbihan ng isang kawani ng gobyerno ang mga nangangailangan sa kanila, halagang binabayaran, pagkakaroon ng public assistance desks at gayundin ang kalidad ng hintayan at palikuran. Gayundin naman ang pagkakaroon ng special lanes para sa mga nakatatanda at mga disable o mga may kapansanan at pagsunod sa tinatawag na “no noon break” policy.
Sa ibang opisina, may kukunin ka lamang simpleng dokumento na kailangan mo ay aabutin ka ng santu-santo bago mo makuha. May kung anu-anong dahilan. Aabutan mo ang ilang kawani na kung hindi naghuhuntahan ay naghaharutan o nagso-solve ng puzzle sa diyaryo at hindi inaasikaso ang mga may kailangan.
Mayroon tayong batas laban sa red tape at ito ay ang Anti Red Tape Act (ARTA) ng 2007. Sa ilalim ng ARTA, ay itinakda sa bawat ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng isang citizen’s Charter na nagsasaad ng step-by-step procedure para makatugon sa partikular na serbisyo na gumagarantiya sa performance level na inaasahan, kasama na ang pinakamaikling oras para maproseso ang mga transaksiyon.
Sa ilalim ng naturang karta, ang anumang aplikasyon o request ay kailangang maaksiyunan sa loob ng 5 araw ng trabaho mula sa petsa ng pagtanggap at ito ay para sa simpleng transaksiyon. Sampung araw naman sa mga kumplikadong transaksiyon.
Isinasaad din sa charter na ang fixer at pakikipagsabuwatan sa mga fixers ay itinuturing na grabing paglabag na may nakatakdang parusang pagkatanggal sa trabaho at pamalagiang diskuwalipikasyon sa serbisyo publiko.
Sa mga fixer ay may kaparusahang pagkakakulong na hindi hihigit sa anim na taon at multang hindi bababa sa 20,000 pero hindi hihigit sa 200,000.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/bagsak-sa-red-tape-test/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment