Life imprisonment ang hatol ng korte sa bumaril at nakapatay sa isang radio broadcaster sa Legazpi City noong 2004.
Si Clarito Arizobal, alyas “Boy Zapanta,” ay hinatulan na mabilanggo ng habambuhay ni Legaspi City Regional Trial Court Branch 3 Judge Frank Lobrigo dahil sa pagpatay kay Rowell Endrinal, radio commentator ng himpilang DZRC at newspaper publisher ng Bicol Metro News.
Ayon sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DoJ), nakitaan ng probable cause para tuluyang iakyat sa korte ang kasong murder laban kay Arizobal.
Base pa sa desisyon ng DoJ, pinagbabayad si Arizobal ng mahigit P100,000 para sa pinsala sa kaanak ng pinaslang na mamamahayag.
Napag-alaman na noong Pebrero 11, 2004 pinatay si Endrinal sa Barangay Oro Site, Legazpi City.
Ang hatol na Reclusion Perpetua ay may katumbas na 30 taon na pagkakakulong o higit pa. – Beth Camia
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/habambuhay-sa-killer-ng-broardcaster/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment