Thursday, May 2, 2013

Cesar Mancao nakapuga sa NBI

Matapos kumpirmahin na nakatakas mula sa kustodiya ng National Bureau of Ivestigation (NBI) si dating Supt. Cesar Mancao, tumatayong star witness sa Dacer-Corbito double murder case, ay nagpalabas na ng massive manhunt ang NBI para sa agarang pagdakadarakip rito.



Base sa ulat ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima, kinumpirma nito na ganap na 1:15 ng umaga nang makatakas si Mancao mula sa NBI detention facility. Kinumpirma rin na nawawala ang Pajero nito na nasa NBI compoud.


Agad na ipinag-utos ni NBI Director Nonatus Rojas sa kanyang mga tauhan na maglunsad ng manhunt operation para maibalik sa selda si Mancao.


Sinabi ni De Lima na isa sa pangunahing dahilan ni Mancao sa pagtakas nito ay dahil umano sa pagkontra nitong mailipat sa City Jail, matapos na pinal nang ilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang kautusan sa NBI na iturn over sa pasilidad si Mancao na unang itinakda kahapon.


Kasabay nito ay masusi ring iniimbestigahan ng DoJ ang sinasabing dalawang NBI guard umano ang hinihinalang tumulong para makatakas si Mancao.


Samantala, sa panayam kay De Lima, sinabi nitong katatapos lamang nito makipag-usap kay Mancao sa telepono kung saan mariing paghingi ng tawad ang ipinararating nito sa kanyang pagtakas.


Sinabi ni De Lima na ayon kay Mancao, nagawa lamang nitong tumakas upang proteksyunan ang sarili dahil sa banta na sa sakaling mailipat na ito sa City Jail ay may papatay dito.


Matatandaang iniugnay si Mancao, na dating tauhan ni Sen. Panfilo Lacson, sa pagpatay kay PR man Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito, at ngayon ay tumatayong witness na magdidiin kay dating Senior Supt. Michael Ray Aquino. – Beth Camia




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/03/cesar-mancao-nakapuga-sa-nbi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment