Thursday, May 2, 2013

Most wanted, nasawi sa shootout

Nasawi ang isang lalaki na itinuturing na No. 1 Most Wanted sa Northern Metro area at No. 9 sa Metro Manila dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen, makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Caloocan City.


Dead on arrival sa Tondo General Hospital ang suspek na si Michael Ignacio Barreyo, 29, alyas “Bulag,“ ng Block 3, Lot 25, Phase 3, Pla-Pla St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa dibdib at tiyan.



Ayon kay Senior Supt. Pepito Pacada, deputy district director ng Northern Police District, bandang 11:00 ng umaga noong Martes nang nakatanggap sila ng impormasyon na nakita sa kanilang lugar si Barreyo.


Dahil dito, inatasan ni Padaca ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at District AntiIllegal Drugs (DAID) na dakpin ang suspek. Pagdating ng mga pulis sa bahay ni Barreyo sarado ito at patay ang mga ilaw na tila walang tao.


Sinipa ni PO1 Buen Soceso ng DAID ang pintuan at ng bumukas ay bigla siyang binaril sa dibdib ng suspek. Gumanti ang mga pulis at napatay si Barreyo. – Orly L. Barcala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/03/most-wanted-nasawi-sa-shootout/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment