Huwag na lang patulan ang sikuhang naganap sa pagitan ng Korte Suprema at Comelec hinggil sa kung ano ba ang karapat-dapat na reglamento sa “oras“ ang tumpak na igawad sa mga kumakandidato (lokal at pambansa), para makilala, sa radyo at telebisyon. Magugunitang muntik ng bumitiw si Comelec Chairman Sixto Brilliantes pagkatapos magpakawala ng maaanghang na salita, na “Korte Suprema na lang magpatakbo ng halalan“. Tanggapin man ng Komisyon o hindi, ang nasabing regalamento masama sa kabutihan at katatagan ng malayang pamamahayag tungo sa matiwasay na demokrasya. Ito lalo, dahil nasa gitna tayo ng halalan. Sinisikil ng limitasyon sa impormasyon hindi lamang mga “bayad na patalastas“ ng tumatakbong politiko, bagkus pati ang kusang pangingimbita o alok ng media sa kandidato, damay din. Binabawasan ang nakasaad na “oras“ laban sa mga tumatakbo, kahit media na mismo ang nagimbita!
Kaya imbes na mas lalo pang makilala at malinawan ang sambayanan sa mga nagpapakilalang kinatawan kontra sa nagmimiron lamang, ang resulta, heto at tinataningan tuloy lahat ng uri ng impormasyon, debate, kaalaman, bistuhan atbp. para hindi tayo makapili ng tamang mga pinuno ng bayan. Andun na ako, ang layunin ng Comelec ay para patas lahat ng kandidato sa “pagpapasikat“.
Subali’t mali ang pamamaraan. Dapat ibukod ang “binabayarang commercial“ sa diretsahan at halalang debate ng mga kandidato, na kusang pakana ng media. Kung seryoso ang Comelec na patagin ang pagkakataon para sa lahat ng tumatakbo, tutukan na lang nila ang limitasyon sa gastusin na nakasaad sa batas para bawat kandidato at partido. At kung may lumabag, tigpasin agad! Ang kaba ko, kapag pinalampas natin ito, ay susunod na halalan, pati espasyo at mga report sa kandidato ng pahayagan limitahan na din ng Comelec. Sa kabilang dako, batid siguro ng Comelec na ilang monopolyo sa TV at radyo, angkan ng politiko ang kaparteng may-ari? Ibang media, may kinikilingang politiko o partido kaya panay interview at report? O mga may-ari ng media may malakihang ka-negosyo sa mga politiko?
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/dagdag-impormasyon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment