Wednesday, May 1, 2013

P2.40 tinapyas sa LPG price

Pinangunahan ng Petron ang pagpapatupad ng bigtime price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG kasabay ng pagdiriwang sa Labor Day kahapon.


Sa anunsiyo ng kumpanya, epektibo 12:01 ng madaling araw tinapyasan nito ng P2.40 ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P26.40 sa bawat 11 kilograms na tangke ng LPG.



Natuwa naman ang mga driver ng FX at taxi na gumagamit ng auto-LPG sa kanilang sasakyan dahil ibinaba ng Petron ng P1.51 ang presyo ng bawat litro ng kanyang ibinibentang auto-LPG Xtend.


Bandang 12:00 ng tanghali kahapon ng tapyasan ng Total Philippines ng P2.00 ang presyo ng bawat kilo ng kanyang cooking gas.


Ang rollback sa halaga ng LPG sa bansa ay bunga ng pagbaba ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.


Asahan na rin ng consumers ang pagsunod sa rollback ng iba pang LPG player sa bansa sa kabila na wala pang inilalabas na abiso ang mga ito.


Noong Abril 2, huling nagpatupad ng bigtime price rollback sa cooking gas ang Petron, Total Philippines at Pilipinas Shell ng P3.00 sa kada kilo ng kanilang LPG habang P1.88 sa auto-LPG. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/p2-40-tinapyas-sa-lpg-price/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment