Tuesday, May 28, 2013

Dimakiling, Perena, Claro, Enriquez, nagsipagwagi

Pinamunuan ni International Master (IM) Oliver Dimakiling ang pagsungkit sa gintong medalyang nakataya sa Blitz event ng 2013 POC PSC Philippine National Games chess competition na ginanap noong Lunes sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main Campus sa Sta. Mesa, Manila.



Binigo ng Davao City born na si Dimakiling sa ikapito at huling round si NM Raymond Salcedo ng Philippine Air Force para ipunin ang kabuuang 6 na puntos, kapantay nina GM Mark Paragua, GM Rogelio Antonio Jr. at NM Alcon John Datu ng Caloocan City.


Gayunman, hinablot ni Dimakiling ang ginto bunga nang mas mataas na puntos sa tiebreak score kontra kay Paragua na ibinulsa ang pilak habang tanso naman kina Antonio at Datu.


Naungusan naman ni Woman International Master (WIM) Catherine Perena ng San Jose, Bulacan sa Open Division ang kapwa may 6 na puntos na si Jon Ira dela Cruz ng Adamson Manila sa tie-break points upang kubrahin ang gintong medalya. Napasakamay ni WFM Jan Jodilyn Fronda ng Manila ang tanso na may 5.5 puntos.


Nagwagi din ng ginto si Diego Abraham Claro ng Cebu, pilak kay Jose Carlo Castro ng Caloocan City at tanso kay Christian Nanola ng San Pablo, Laguna sa Junior Division para sa Boys. – Angie Oredo








View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/dimakiling-perena-claro-enriquez-nagsipagwagi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment