Masuwerte ang isang overseas voter na nanalo ng round-trip air ticket sa kagandahang loob ng Cebu Pacific Air, matapos mabunot sa rafflle ng Embahada ng Pilipinas sa Brunei Darussalam ang pangalan ng Pinoy na bumoto sa Chancery noong Mayo 14.
Mismong si Ambassador Nestor Z. Ochoa ang bumunot sa pangalan ni Liberty C. Yu mula sa 1,531 Pinoy na bumoto sa katatapos na midterm elections.
Si Yu ay 16 na taon nang nakabase sa Brunei Darussalam at nagtatrabaho bilang inhinyero sa David Hanman Engineering Services Sdn. Bhd.
Ang libreng round–trip air ticket ay ipinagkaloob kay Yu ni Minister at Consul Celeste Vinzon Balatbat sa
Embahada noong Mayo 21.
Tinatayang may 21,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Brunei Darussalam, na 9,463 sa mga ito ang rehistradong botante. – Bella Gamotea
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/libreng-round-trip-ticket-sa-masuwerteng-overseas-voter/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment