Tuesday, May 28, 2013

DISKRIMINASYON

Hindi pa man napapawi ang pagdadalamhati pamilya ng pitong Marine na ng mga napatay sa pakikipaglaban sa mga Abu Sayyaf Group (ASG), walo na namang pulis ang napaslang sa ambush ng New People’s Army (NPA). Bagamat may mga nalagas din sa panig ng mga bandidong ASG at NPA, nakapanlulumo ang mga pangyayari na kapuwa mga Pilipino ang nagpapatayan.



Sa biglang tingin, iisipin natin marahil na ang gayong malagim na sagupaan ay bunsod ng magkakasalungat na paniniwala at ideolohiya ng mga rebelde. Totoo kaya na ipinaglalaban ng mga NPA ang komunismo sa kumpas ng kanilang mga kaalyado mula sa ibang bansa? Ganito rin kaya ang ASG na may suporta mula sa mga bansang Muslim? Hindi ba may mga ulat na ang mga kaalyado ng nabanggit na grupo ng mga rebelde ay lihim na nagpapadala ng ayudang teknikal at pinansiyal upang paigtingin ang paghahasik ng karahasan sa bansa? Patunay kaya ito ng kaliwa’t kanang pagambush at pagkidnap sa sinumang nais nilang biktimahin?


Sana ako ay mali, subalit iisa ang nakikita kong dahilan ng walang patumanggang pagtampalasan ng mga rebelde ­ diskriminasyon sa pagtataguyod ng usapang pangkapayapaan. Nakalulungkot, halimbawa, ang pahayag ng mismong kinatawan ng administrasyon na mistulang `patay’ na ang peace process sa pagitan ng NDF/NPA at ng gobyerno dahil lamang sa teknikal na pangyayari. Nag-lapse na o nawalan ng bisa ang naturang peace talks na isinagawa pa sa ibang bansa.


Ganito rin marahil ang situwasyon sa panig ng mga rebeldeng ASG nang ang kanilang grupo ay mistulang kinalimutan sa pinagtibay na Bangsamoro Framework Agreement. Maliwanag na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) lamang ang binigyang-halaga sa naturang kasunduan. Maging ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay hindi kinilala sa isinagawang peace process. Hindi ba ang mga miyembro ng ASG ay nagmula rin sa nabanggit na mga grupo?


Ang ganitong situwasyon ay dapat pag-ukulan ng pansin ng gobyerno upang maiwasan ang madugong sagupaan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/diskriminasyon-4/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment