Tuesday, May 28, 2013

NOAH flood warning system, kasado na

Sinimulan na ng Project NOAH ang information campaign nito upang mabigyan ng babala ang mga naninirahan sa mga lugar na binabaha tuwing tag-ulan.


Inilunsad ng Department of Science and Technology (DoST) at ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang Project NOAH noong Hulyo 2012, upang ipaalam sa mamamayan, sa pamamagitan ng “real time” information na makukuha sa DoST website, ang posibilidad ng baha matapos ang matinding pananalasa ng mga bagyong ‘Quiel,’ ‘Pedring’ at ‘Sendong.’



Nangangahulugan ng Nationwide Operational Assessment of Hazards at may P1.6-billion na pondo mula sa DoST, ang NOAH ay ang makabagong flood warning system na nagbibigay ng impormasyon gamit ang automatic rain gauges (ARG), water level monitoring sensors (WLMS), at Doppler radars na ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Sinabi ni Dr. Enrico “Eric” C. Paringit, pinuno ng Disaster Risk and Exposure Assessment for Mitigation-Light Detection and Ranging (DREAM-LIDAR), na isa sa mahalagang bahagi ng NOAH ay ang kakayahang magpalabas ng highresolution topographic maps sa 19 na pangunahing river basin sa bansa na nagpapakita sa mga mapanganib na lugar, gamit ang 3D mapping tool na ikinakabit sa dalawang Cessna plane.


“Now that the rainy season is near, we must be on full blast increasing awareness of communities on tools like NOAH website, NOAH mobile phone application, and IEC events to help them manage natural hazards,” sinabi ng University of the Philippines (UP)-Diliman engineering professor. – Edd K. Usman/ Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/29/noah-flood-warning-system-kasado-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment