Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na hindi pa lusot ang mga nanalong kandidato sa mga kinakaharap nilang election offense, gaya ng pagkakaroon ng illegal campaign posters.
Paliwanag ni Brillantes, mawawalan ng bisa ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato kapag napatunayang lumabag sila sa batas sa eleksiyon.
Kasabay nito, tiniyak din ni Brillantes na ipupursige ng Comelec ang mga election case laban sa mga ito.
“Lahat ng illegal postering, tuluytuloy lang ang aming [pagsasampa ng] election offense sa law department. It should not affect the proclamation,“ ani Brillantes.
Inihalimbawa ni Brillantes ang kaso ng party-list group na Buhay Hayaang Yumabong (Buhay) at Akbayan Citizens’ Action Party na naiproklama nang halal noong Biyernes.
Giit ni Brillantes, ang nanalong kandidato ay maaaring maalis sa puwesto kapag na-convict ng Comelec.
“Puwede silang matanggal kung ma-convict sila later,“ ayon kay Brillantes. “Part of the accessory penalty is cancellation. Whether you win or lose, an election offense is committed.“
Nakatanggap din ng mga notice para sa illegal poster violation ang LPG Marketers’ Association, Kabataan, 1 BROPhilippine Guardians Brotherhood, Bagong Henerasyon, PISTON, Sanlakas, Puwersa ng Bayaning Atleta, 1 Joint Alliance of Marginalized Group Inc., at Katribu Indigenous Peoples Sectoral Party. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/election-offense-vs-nanalong-kandidato-ipupursige/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment