Sunday, May 26, 2013

Partisipasyon ng mga atleta, labis na ikinatuwa ng PSC official

Nagpahayag ng labis na kagalakan si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at POC-PSC National Games project director Jolly Gomez sa aniya’y napakagandang partisipasyon ng mga atleta sa ginaganap na national sports competition sa Kamaynilaan.



“Alam n’yo, talagang tuwang-tuwa ako dahil ang ganda ng participation dito pa lamang first few days ng PNG dito sa Manila,“ ani Gomez nang makapanayam ng mga mamahayag matapos ang awarding ceremonies ng triathlon event ng PNG sa Philsports Complex sa Pasig City.


“Maraming mga top universities ang sumasali kasi ginagamit nila ang PNG para sa exposures ng kanilang mga athletes,“ dagdag ni Gomez.


Ayon pa kay Gomez, hanggang kahapon ay umabot na sila sa mahigit 5,000 na mga kalahok sa PNG, hindi pa kasama dito ang mga nasa national pool at national teams.


“Nakakatuwa `yung outcome and so far, mukhang aabot kami sa goal na up to 10,000 participants,“ ayon pa sa PSC Commissioner na inaasahang dadami pa ang bilang ng mga kalahok dahil marami pang mga sports ang hindi pa nagsisimula kabilang na rito ang centerpiece event athletics n a gaganapin din sa Philsports at swimming na idaraos naman sa Rizal Memorial swimming pool.


Kasabay nito ay pinapurihan niya ang mga kagawad ng sports media na aniya ay malaki ang naitutulong para sa kaukulang exposure ng iba’tibang mga sports na gaya aniya ng triathlon na iminungkahi nitop kay Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco na gawin isang beses buwan dito sa Metro Manila.


“Maganda ang exposure na naibibigay nitong PNG para sa mga sports through the media, kasi talagang nakakatulong para sa mga National Sports Associations sa pagpu-promote ng kanilang mga sports,“ ayon pa kay Gomez.


Bagamat may mangingilanngilan aniyang mga problema gaya ng pagkakansela at pagkakalipat ng road race at individual time trial events ng cycling sa Tarlac mula sa orihinal nitong venue sa Las Pinas City at Cavite.


Ayon kay Gomez, dahil sa mga magagandang nangyayari ngayon at sa magandang exposure na nakukuha ng PNG mula sa tri-media gayundin sa social media, naniniwala siyang darating ang araw na mismong mga local government units na ang magkukusang mag-alok ng kanilang tulong sa mga susunod na pagkakataon.


“Hindi naman natin maiaalis na may mga LGU’s na hindi pa rin naiintindihan ang importance ng PNG. But in the future pag naging well informed na sila baka sila pa ang mag volunteer at mag offer ng kanilang tulong,“ ani Gomez.


Ngunit maliban sa mga lokal na mga atleta, hinihikayat din ni Gomez ang iba pa nating mga kababayan sa ibang bansa na kung may pagkakataon ay ipadala ang kanilang mga anak na involve sa iba’t-ibang sports para makalahok.


“We are encouraging those Filipinos abroad na ipadala ang mga anak nila dito at pasalihin sa PNG hindi lamang para makabisita dito sa Pilipinas kundi para sa pagkakataong makapagsuot din ng national colors.“ – Marivic Awitan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/partisipasyon-ng-mga-atleta-labis-na-ikinatuwa-ng-psc-official/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment