Wednesday, May 1, 2013

Final testing ng PCOS, pinaghahandaan

Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na hindi magkakaaberya ang isasagawang final testing at sealing ng mga precinct count optical scan (PCOS) machine.


Nabatid na pinaghahandaan na ng Comelec ang naturang aktibidad na idaraos sa Lunes, Mayo 6.



Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sinisimulan na nila ang deployment ng mga PCOS machine at balota sa mga voting precinct.


Layunin aniya nang pinal na pagsusuri sa mga makina na matiyak na magiging accurate o tama ang resulta ng bilangan sa mga boto.


Ipinaliwanag ni Brillantes na sa ilalim ng final testing, papasukan ng 10 balota ang bawat PCOS machine at kukunin ang resultang ilalabas ng makina.


Aalamin kung magtutugma ito sa manu-manong bilangan na gagawin ng election officials.


Sinabi ni Brillantes na ginawa na ito noong 2010 ngunit nagkaproblema kaya pinalitan ang lahat ng Compact Flash (CF) card isang linggo bago ang halalan.


Kumpiyansa naman si Brillantes na hindi na mauulit pa ang naturang aberya.


Kaugnay nito, tuloy ang trabaho ng Comelec kahit pa holiday sa buong bansa kahapon dahil sa pagdiriwang ng Labor Day.


Ayon kay Brillantes, bibigyan na lamang ng overtime pay ang lahat ng nag-report sa trabaho kahapon kahit walang pasok. – Mary Ann Santiago




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/02/final-testing-ng-pcos-pinaghahandaan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment