Monday, May 27, 2013

ISUKO MO NA

SA totoo lang, natabunan na ang artikulong ito sa aking email inbox na ipinadala ng isa kong amiga. Nang maglinis ako ng inbox ko dalawang linggo na ang nakararaan, paulit-ulit ko itong binasa. Ngayon ibinabahagi ko sa iyo ito at nawa ay kapulutan mo rin ng mga gintong butil.



Narito ang ilang bagay na kapag isinuko mo, maaaring maging magaan at mas masaya ang iyong buhay.

Ang dami kasi nating hinahawakan sa buhay na nagdudulot sa atin ng kapaitan, pagod, at pagdurusa. Sa halip na isuko natin ang mga iyon at palayain ang ating mga sarili upang maging masaya, humihigpit ang ating pagkakahawak sa mga iyon.


Subukan lang natin. Simula ngayon, isuko natin ang mga bagay na hindi na natin kailangan at yakapin ang alok ng pagbabago. Handa ka na ba? Tayo na!



  • Isuko ang iyong pangangailangan na ikaw ang laging tama. ­ Marami sa atin ang hindi matanggap ang sarili nating pagkakamali. Iginigiit nating lagi tayong tama kahit malagay pa sa panganib ang isang magandang relasyon. Sapagkat ayaw nating patalo (kahit alam nating mali tayo), wala tayong pakialam kung makasasakit tayo ng damdamin hanggang maramdaman natin dakong huli ang pait ng ating nagawa. Kapag humantong ka na sa pangangailangang makipag-away upang iukilkil kung sino ang tama o sino ang mali, tanungin mo ang iyong sarili: “Mas gusto ko bang maging tama o magpaparaya na lang ako para walang gulo?“

  • Isuko ang iyong pangangailangang magkontrol. ­ Laging maging handa na isuko ang iyong pangangailangang magkontrol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa iyo ­ mga pangyayari at mga tao. Maging mga mahal sa buhay o mga kasama sa trabaho o kahit sino pa man, hayaan mo silang maging sila. Hayaan mo ang lahat na maging sila at huwag mo silang kontrolin at makikita mong mas mabuti ang iyong pakiramdam.


Marami pa bukas.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/27/isuko-mo-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment