Monday, May 6, 2013

KAAGAPAY

Palibhasa’y hindi ko nakagawiang sumilip sa mga nakaburol – mga yumaong mahal sa buhay at maging sa ating mga kapatid sa propesyon – idinadaan ko na lamang sa eulogy o luksang parangal ang aking pakikiramay sa kanilang mga naulila. At ngayon nga na isa na namang mediaman ang sumakabilang-buhay, nais kong mag-ukol ng isang matapat na pagpapahalaga kay Joy de los Reyes bilang isang matapat na kaagapay sa maraming pakikipagsapalaran.



Bago siya namatay kamakalawa, nagkaroon pa kami ng panandaliang paggunita sa nakalipas nang kami ay magkasama sa dating pahayagang Daily Express noong kainitan ng martial law. Walang pagbabago ang kanyang paninindigan, lalo na sa maseselang isyu na gumigiyagis sa lipunan. Magkaiba ang aming pananaw sapagkat siya ay likas na makabayan na malimit taguriang isang ‘renaissance man’. Bilang isang aktibista, aktibo siyang kabalikat sa First Quarter storm na masugid na tagapagtaguyod ng mga simulaing taliwas sa umiiral na martial law.


Kahit na nang sumilang ang tinaguriang bagong demokrasya na iniluwal ng People Power, naroroon pa rin ang matinding paninindigan ni Joy laban sa mga patakarang gumigipit sa masang Pilipino. Mahihinuha ang ganitong mga simulain kahit na nang siya ay naging editor-in-chief ng pahayagang Malaya.


Isang larangan lamang ang inaakala kong kapuwa namin pinagsikapan ni Joy – ang kanyang pagkahilig sa agrikultura at paghahayupan. Pinag-ukulan niya ang mga ito kahit na siya ay aktibo pa sa pamamahayag.


At isang makabuluhang katangian ang aking hinahangaan kay Joy – ang kanyang katapatan sa pakikisama at sa pakikitungo sa sinuman. Siya ay makatao, maunawain at magaling na editor. Sabi nga ng isa pa nating kapatid sa media na si Jake Makasaet, publisher ng Malaya – Joy was never false to others. At si DILG Secretary Mar Roxas ang nagsabi: si Joy ay isang disente at mabuting kaibigan.


Si Joy ay maituturing na isang tunay na kapatid hindi lamang sa propesyon kundi sa maraming pakikipagsapalaran sa buhay. Isang pakikiramay sa iyong mga mahal sa buhay.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/kaagapay-2/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment