Monday, May 6, 2013

Pekeng poll survey, kinondena ni Suarez

Ni Ben Rosario/Manila Bulletin


Binatikos ni House Minority Leader Danilo Suarez ang mga kandidato ng administrasyon dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng poll survey na posibleng bahagi ng isang “mind-conditioning” scheme sa manipulasyon ng resulta ng eleksiyon gamit ang precinct optical count scan (PCOS) machine sa Lunes.



Kinastigo ni Suarez ang mga bogus na poll survey result na inilabas sa mga pahayagan na posibleng gamitin upang makapaglinlang ng mga botante.


Kabilang sa mga nabiktima ng pekeng poll survey, aniya, ay ang anak niyang si incumbent Governor David “Jayjay” Suarez, na katunggali ni Rep. Irvin Alcala, anak ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, sa pagka-gobernador.


“Not only are the poll survey results fake, even the firm, in Quezon’s case the Data Advisers, Inc., is also non-existent,” sabi ni Suarez.


Kasama ang kanyang anak, inireklamo ng mambabatas ang isang Data Advisers, Inc., na umano’y ang research company na nagpalabas ng election survey sa gubernatorial race na nagsasabing mananalo si Alcala, na umani ng 54.7 porsiyento laban kay Suarez na may 45.7 porsiyento.


“The mathematics by itself is already preposterous because the sum of 54.7 and 45.7 is clearly over 100 percent. The wrong addition indicates desperation on the part of my rival,” sabi ng nakababatang Suarez, kasabay ng panawagan sa publiko na balewalain ang mga naturang survey.


Nanawagan ang mag-amang Suarez sa National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (Comelec) na imbestigahan ang pagkalat ng pekeng survey result.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/pekeng-poll-survey-kinondena-ni-suarez/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment