Tuesday, May 28, 2013

Kahirapan, gutom sa ARMM, reresolbahin

Ni Nonoy E. Lacson


ZAMBOANGA CITY – Nangako si Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor-elect Mujiv Hataman na babawasan ang nagugutom sa rehiyon sa paglulunsad ng mas epektibong socio-economic development sa mga lalawigan.



Sa report ng “First Semester Per Capita Threshold and Poverty Incidence Among Families” ng National Statistical Coordination Board (NSCB) nitong Abril 23, 2013, natuklasan na sa 17 rehiyon sa bansa, ang limang probinsiya at dalawang lungsod na bumubuo sa ARMM ang pinakamahirap na rehiyon sa bansa, sa naitalang 46.9 na porsiyento.


Agad na dumepensa si Hataman, nilinaw na natukoy na pinakamahirap ang ARMM “because of the two provinces but not the entire region.”


Paliwanag ni Hataman, wala na sa listahan ng pinakamahihirap na probinsiya ang tatlong islang lalawigan sa rehiyon at dalawang probinsiya na lang ang pinoproblema — ang Lanao del Sur at Maguindanao.


“Target namin ibababa ito to single-digit during our term,” sabi ni Hataman, na inatasan na ang kanyang economic staff na alamin ang ugat ng problema para epektibong matugunan ito. “Challenge ito sa amin.”


Ang ARMM ay binubuo ng Lanao del Sur at Maguindanao at mga islang Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at mga lungsod ng Marawi at Lamitan.


Sa buong bansa, iniulat ng NSCB na “22 out of 100 families were estimated to be poor in the first semester of 2012 with the average poverty incidence at 22.3%. In the ARMM, the figure is more than twice at 46.9% or 47 out of 100 families.”


Sa Lanao del Sur, ang bilang ay tatlong beses ng national average sa 68.9 porsiyento at 57.8 porsiyento sa Maguindanao. Ang insidente ng kahirapan sa Basilan ay itinala sa 32.5 porsiyento, ang Sulu ay nasa 30.4 porsiyento, habang 20.8 porsiyento sa Tawi-Tawi.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/28/kahirapan-gutom-sa-armm-reresolbahin/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment